Silipin ang mga nakakatuwang nangyari sa tahanan ni Regine Velasquez-Alcasid last Saturday, November 12, sa 'Sarap Diva.'
Last Saturday, binisita ng mga bida ng Superstar Duets na sina Jerald Napoles, Joross Gamboa, at Osang ang bahay ni Regine Velasquez-Alcasid.
Enjoy na enjoy sina Inday at Regine sa kuwento ng kanilang mga bisita.
Naghanda ng isang performance sina Jerald at ang kanyang partner na si Gutom Jones with Raul Mitra.
Feel na feel nina Osang at Tina Torture ang kanilang pagkanta!
Nakisali na rin si Inday sa pagkanta kasama si See Yah Later.
Proud na proud nga ba o tawang tawa si Regine sa performance ni Inday?
Hindi nagpatalo si Joross dahil ang kanyang ka-tandem ay ang Asia's Songbird.
Nagpahula si Regine ng street food favorites sa mga bisita niyang international stars.
Isang nakakatuwang weekend muli ang ating pagsamahan next Saturday sa 'Sarap Diva.'