Silipin ang naganap na pag-amin nina Julie Anne San Jose at Benjamin Alves sa January 7 episode ng 'Sarap Diva.'
Simula palang ng 'Sarap Diva,' may nakakakilig na titigan na agad sina Julie Anne San Jose at Benjamin Alves.
Kasama rin nina Regine at Inday si Boobsie.
Pasabog sa 2017 ang unang tanong ni Regine kina Benjamin at Julie Anne. Ani ni Cooking Diva, 'Kayo na ba?'
Sagot nina Benjamin and Julie Anne, sila ay exclusively dating.
Bumisita rin ang Korean recording artist na si Dabit.
Kinabahan si Dabit nang kumanta siya ng 'Tuwing Umuulan' sa harap ni Regine.
Hindi napigilan ang halakhakan sa bahay ng Cooking Diva nang sinabi ni Boobsie kay Dabit na 'kiss me'.
Naghanda si Regine ng Crispy Squid Adobo para sa kanyang mga bisita.
Abangan sa Sabado ang susunod na bisita ni Regine Velasquez-Alcasid sa 'Sarap Diva.'