Silipin ang Asian weekend ni Regine Velasquez-Alcasid kasama ang Teng brothers at ang kanyang explorer na si Tetay.
Nitong August 5 ay winelcome nina Jeric at Jeron Teng sa kanilang tahanan ang Cooking Diva na si Regine Velasquez-Alcasid.
Inalam ni Regine ang ilang sikreto ng magkapatid.
Walang sikretong hindi nabubunyag pagdating kay Regine kaya napilitang umamin sina Jeric at Jeron sa kanilang mga biggest fears pati na rin kung sino ang sweet sa kanilang mga special someone.
Para mas ma-explore ang Asian history ay dumalo si Tetay sa isang cosplay event para ma-witness niya ang craze tungkol dito.
May regalo pang Pikachu si Tetay para kay Regine!
Dahil patok ngayon ang Korean drama ay sumikat din ang Korean dishes sa bansa. Kaya naman inalam ni Tetay ang mga pagkain na dapat tikman.
Ang cute naman ng Cooking Diva sa kanyang Pikachu hat!
Kasama ang mga parents nina Jeron at Jeric sa pagtikim ng Beef Curry.
Nagpa-house tour rin ang Teng brothers.
Samahan muli si Regine sa isang weekend kantahan, kuwentuhan, at kainan sa 'Sarap Diva.'