Muli nating balikan ang masayang kuwentuhan, kantahan at kainan ng dalawang OPM hitmakers na sina Regine Velasquez-Alcasid at Lani Misalucha.
Masaya ang naging kuwentuhan, kantahan at kainan sa tahanan ni Regine Velasquez-Alcasid nitong August 11 sa 'Sarap Diva' dahil bisita niya ang kanyang longtime friend na si Lani Misalucha.
Masayang bumisita ang kumare ni Regine na si Lani Misalucha.
Nag-duet ang Asia's Songbird at Asia's Nightingale.
Nakasama rin nila ang kanilang kumare na si Jaya-Jaya Putomaya.
Sumunod sa chikahan ang clash-mate na si Andre Paras.
Ipinatikim ni Lani ang kanyang refreshing na Bukovocado Ice Cream.
Kasama rin nila ang ilang contenders sa 'The Clash' na sina Mica, Kyril at Jasmin.
Subaybayan muli si Regine sa kanyang masayang kuwentuhan, kantahan at kainan sa susunod na Sabado sa 'Sarap Diva.'