TV

WATCH: Ruru Madrid, masaya na reunited sila muli ni Gabbi Garcia sa upcoming GMA series

By Gia Allana Soriano

Reunited muli sina Ruru Madrid at Gabbi Garcia para sa isang project kung saan makakasama rin nila ang aktres na si Janine Gutierrez. 

Ani ng aktor, "Kami naman ni Gab, never namin kino-close 'yung mga doors namin para sa mga fans. Masaya ako ngayon na nakatrabaho ko ulit si Gab. Iba pa rin 'yung pakiramdam, eh. Kung baga magaan na 'yung loob namin sa isa't isa."

Bibida ang tatlo sa upcoming GMA show na Sherlock Jr., nagkuwento rin ang aktor tungkol sa kanyang karakter. Aniya, "Ano, [reporter] ako dito, eh. Basta justice 'yun [ang importante] sa akin. Ayoko ng patiwali. Kapag may mga problemang ganyan, gusto ko lahat patas."


Sa teleseryeng ito ay na-overcome din ni Ruru ang phobia niya sa mga aso. Ika niya, "Dati takot na takot ako pero 'pag nilalapitan niya ako parang hindi ko mapigilan na yakapin siya."

Panoorin ang full report ni Lhar Santiago para sa 24 Oras:

Video courtesy of GMA News