TV

Ruru Madrid, gigil magtrabaho dahil sa 'Sherlock Jr.'

By Maine Aquino

Sa ginanap na media launch ng Sherlock Jr. ay inamin ni Ruru Madrid na hindi siya nagpapadala sa pressure ng pagganap sa isang lead role. 

Ani Ruru sa press, "Bakit mas uunahin ko 'yung pressure na 'yun? 'Di ba dapat mas unahin ko 'yung excitement."


Para kay Ruru, motivated siyang magbigay ng kanyang best sa pag-arte lalo na't ipinagkatiwala sa kanya ng GMA Network ang title role na Sherlock Jr.

"Kumbaga 'yung pagiging gigil magtrabaho or mag-taping kasi kailangan ko 'yun para mas ma-motivate ako every day na kailangan kong paghirapan 'to dahil kumbaga nagtitiwala sa akin 'yung network."

Abangan si Ruru sa Sherlock Jr., ngayong Lunes (January 29) na sa GMA Telebabad.