TV

WATCH: Janine Gutierrez masaya sa mainit na pagtanggap ng viewers sa 'Sherlock Jr.' on its pilot week  

By Aedrianne Acar

Taos puso ang pasasalamat ng Kapuso leading lady na si Janine Gutierrez para sa lahat ng mga Kapuso sa mainit na pagtanggap nila sa primetime series na Sherlock Jr.

LOOK: Janine Gutierrez, may pasilip sa taping ng 'Sherlock Jr.' kasama si Siri

Sa panayam ni Janine sa Chika Minute, hindi nito maitago ang kasiyahan na patuloy na nagti-trending sa pilot week ang kanilang soap.

Ani Janine, “Nag-trending siya number one, super happy at saka ako kasi, first time ko na marinig na may boses na si Siri, so sobrang mas nakakatawa pala. Talagang tawang-tawa ako kay Mikee [Quintos].”

Hindi rin daw siya nakakaramdam ng pressure mula sa GabRu fans, kahit madalas niyang kaeksena ang Kapuso heartthrob na si Ruru Madrid. Kaya ganun na lang din ang pasasalamat niya sa mga fans nila Ruru at Gabbi Garcia.

“Sobrang nagpapasalamat ako sa lahat din ng GabRu’s dahil napakabait ng pagtanggap nila sa karakter ko.”

Mayroon ding patikim si Janine sa mga mangyayari sa karakter niya na si Irene na dapat tutukan ng mga manonood gabi-gabi sa GMA Telebabad.

“Kung paano mapapamahal si Siri kay Jack, kasi parang medyo takot pa siya ganiyan. Tapos kung ano ba talaga ‘yung kaguluhan na mapapasok ni Irene na dun nga magsisimula ‘yung pagiging medyo pagka-detective ni Sherlock.”

Panoorin ang kabuuang interview dito: