
Ipinakilala na ang star-studded cast ng upcoming Philippine adaptation ng hit Korean series na Shining Inheritance sa naganap na story conference kamakailan.
Kabilang sa lead stars ng naturang serye ang Sparkle actress na si Kyline Alcantara.
Related content: Kyline Alcantara's Kapuso milestones
Sa “Chika Minute” report ni Nelson Canlas sa 24 Oras, inamin ni Kyline na nakakaramdam siya ng takot na muling gumanap bilang isang kontrabida, na kanyang huling ginawa sa programang Kambal, Karibal limang taon na ang nakalipas.
“Natatakot po ako sa ibang bagay naman. Natatakot ako bilang maging kontrabida ulit kasi kung dati po comfort zone ko siya, ngayon hindi na po. So kinakabahan po ako,” pagbabahagi niya.
Ayon pa sa Kapuso star, nakaramdam din siya ng pressure sa pagbibidahang serye ngunit game siya na harapin ito.
“I feel great, I feel so blessed, and, as usual, I feel nervous, lalo na Philippine adaptation ito at ako ay isang honorary ambassador for Korea Tourism in the Philippines. Mas nakakakaba siya but it's good pressure. Actually, I like the pressure naman,” aniya sa panayam ng GMANetwork.com.
Ang Shining Inheritance ay pagbibidahan nina Kate Valdez, Kyline Alcantara, Michael Sager, Paul Salas, at Ms. Coney Reyes.
Makakasama rin sa stellar cast ng serye sina Wendell Ramos, Glydel Mercado, Aubrey Miles, Roxie Smith, Seth Dela Cruz, at Charlize Ruth Reyes.
Panoorin ang 24 Oras report sa video sa ibaba.