
Isa sa mga kaabang-abang na serye ng GMA ngayong taon ay ang upcoming Philippine adaptation ng well-loved Korean drama series na Shining Inheritance.
Ang naturang serye ay pinagbibidahan nina Kate Valdez at Kyline Alcantara, Paul Salas, Michael Sager, Roxie Smith, at Ms. Coney Reyes.
Kabilang din dito sina Wendell Ramos, Glydel Mercado, Aubrey Miles, Gio Alvarez, Dave Bornea, Jamir Zabarte, Seth Dela Cruz, at Charuth.
Sa panayam ng GMANetwork.com kay Paul, ikinuwento niya ang kanyang experience sa taping ng naturang serye. Ayon sa Kapuso hunk, nagkaroon siya ng ikalawang ama sa set mula sa isa sa kanyang co-stars.
“Nagkaroon ako ng second dad sa taping ng Shining Inheritance kay Kuya Wendell Ramos. Si Kuya Wendell, iba mag-advice. Hindi lang siya sa on-cam advice kundi off-cam din, sa kung paano i-treat 'yung showbiz life, siyempre sa longevity ni Kuya Wendell Ramos,” pagbahahagi niya.
Dagdag pa ni Paul, nabuo rin ang pagkakaibigan nila ng kanyang co-stars sa taping ng Shining Inheritance.
Aniya, “Nagkaroon din kami ng friendship nina Kyline, Kate, and Michael. And, of course, si Tita Coney na sobrang na-surprise ako dahil at first sobrang nape-pressure ako feeling ko seryosong tao si Tita Coney, but sobrang jolly niya and she always shares the word of God and sobrang nakaka-inspire and sobrang kulit ni Tita Coney. So lalong nagiging masaya 'yung set namin ng Shining Inheritance.”
Abangan ang Shining Inheritance soon sa GMA.
SAMANTALA, SILIPIN ANG CHARMING LOOKS NI PAUL SALAS SA GALLERY NA ITO.