Kabilang si Michael Sager sa mga bibida sa upcoming Philippine adaptation ng well-loved Korean drama series na Shining Inheritance.
Ang naturang serye ay pagbibidahan din nina Kate Valdez at Kyline Alcantara, kasama sina Paul Salas, Roxie Smith, at Ms. Coney Reyes.
Sa panayam ng GMANetwork.com kay Michael, inamin niyang naninibago siya sa set ng kanyang pinagbibidahang serye pero aniya'y “great challenge” ang lahat ng ginagawa niya sa taping.
“Itong Shining Inheritance first major project ko po, so talagang naninibago ako sa set. For the first time, medyo dumadami na 'yung sequences ko pero I'm super blessed and for me, it's a great challenge doing everything sa taping. Of course, nag-e-enjoy lang ako palagi, lalo na kapag nasa lock-in kami or sa mga ibang location that usually I don't go to. Nakakatuwa,” pagbabahagi niya.
Masaya rin si Michael na makatrabaho ang kanyang co-stars sa Shining Inheritance dahil lahat sila ay dedicated sa kanilang craft.
Aniya, “Sa mga co-actors ko naman, I can say na ang sarap magtrabaho rito sa Shining Inheritance kasi good vibes palagi. Kahit mga puyat na kami, kung anu-ano pinagsasabi namin, tawa lang kami nang tawa just to really complete the work. So talagang masaya kasi lahat kami dedicated.”
Ayon pa kay Michael, makikita sa Philippine adaptation ng Shining Inheritance ang Filipino culture at aniya'y "very meaningful" ang kwento nito.
“It's become more Filipino na na-adapt natin 'yung Filipino culture sa story na ito and makikita n'yo 'yung mga struggles din sa mga kumpanya, sa mga families that we may not see everyday. Masasabi ko lang mas intense, mas Filipino talaga, and it's very meaningful 'yung story,” sabi ng aktor.
Kabilang din sa cast ng upcoming series sina Wendell Ramos, Glydel Mercado, Aubrey Miles, Gio Alvarez, Dave Bornea, Jamir Zabarte, Seth Dela Cruz, at Charuth.
Abangan ang Shining Inheritance, soon sa GMA.
SAMANTALA, SILIPIN ANG STYLISH LOOKS NI MICHAEL SAGER SA GALLERY NA ITO.