
Ang pinakamaningning na drama sa hapon ay mapapanood na nang mas maaga!
Mapapanood ang Philippine adaptation ng hit Korean drama series na Shining Inheritance sa oras na 3:20 p.m. simula October 21 sa GMA Afternoon Prime.
Kaabang-abang ang mga susunod na tagpo sa seryeng ito na hindi dapat palampasin ng mga manonood.
Ang Shining Inheritance ay pinagbibidahan nina Kyline Alcantara at Kate Valdez, Paul Salas, Michael Sager, at Ms. Coney Reyes.
May special participation sa naturang serye ang seasoned actor na si Ariel Rivera.
Kabilang din sa stellar cast ng Shining Inheritance sina Wendell Ramos, Glydel Mercado, Aubrey Miles, Roxie Smith, Gio Alvarez, Dave Bornea, Jamir Zabarte, Seth Dela Cruz, at Charuth.
Huwag magpahuli sa mga kaabang-abang na tagpo sa Shining Inheritance, na mapapanood sa oras na 3:20 p.m. simula October 21 sa GMA Afternoon Prime, pagkatapos ng Lilet Matias: Attorney-At-Law.
KILALANIN ANG CAST NG SHINING INHERITANCE SA GALLERY NA ITO.