Hindi lamang sa telebisyon sinusubaybayan ng mga manonood ang Philippine adaptation ng hit Korean drama series na Shining Inheritance kung hindi maging online.
Katunayan, nakakuha ang naturang afternoon drama series, na pinagbibidahan nina Kyline Alcantara at Kate Valdez, Paul Salas, Michael Sager, at Ms. Coney Reyes, ng over 135 million total online views across all platforms.
Bukod sa mataas na online views, wagi rin sa TV ratings ang Shining Inheritance dahil pataas ito nang pataas. Ayon sa NUTAM People Ratings, nakakuha ang October 21 episode ng serye ng 8.3 percent.
Subaybayan ang Shining Inheritance tuwing Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG SHINING INHERITANCE SA GALLERY NA ITO.