Kilig vibes ang hatid ng Shining Inheritance lead stars na sina Kate Valdez at Michael Sager sa kanilang duet ng love song na “Alam ng Puso Ko,” na isa sa original soundtracks ng nasabing afternoon drama series na kanilang pinagbibidahan.
Kamakailan lamang ay inilabas ng GMA Network sa social media ang MTV ng “Alam ng Puso Ko” kung saan tampok ang ilang eksena nina Inna Villarazon (Kate Valdez) at Euan De La Costa (Michael Sager) sa Philippine adaptation ng hit Korean drama series.
Bukod sa kanilang scenes, dagdag kilig dito ay ang heartwarming singing voice nina Kate at Michael.
Ang “Alam ng Puso Ko” ay isinulat ni Simon Peter Tan.
Panoorin at pakinggan ang heartwarming track na “Alam ng Puso Ko” sa video na ito.
Kabilang din sa official soundtrack ng serye ay ang “Walang Hanggan” na inawit ng Kapuso singer-actress na si Zephanie. Ang nasabing awitin ay likha ni Ann Margaret R. Figueroa at mixed by Andrea Rae N. Culla.
Kasama nina Kate at Michael sa Shining Inheritance sina Kyline Alcantara, Coney Reyes, Wendell Ramos, Glydel Mercado, Aubrey Miles, Roxie Smith, Gio Alvarez, Dave Bornea, Jamir Zabarte, Seth Dela Cruz, at Charuth.
Subaybayan ang Shining Inheritance tuwing Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
KILALANIN ANG CAST NG SHINING INHERITANCE SA GALLERY NA ITO.