Meet the stellar cast of the Philippine adaptation of 'Shining Inheritance'


Mapapanood na ang Philippine adaptation ng hit K-drama series na Shining Inheritance sa GMA Afternoon Prime simula September 9.
Ang naturang serye ay pagbibidahan nina Kyline Alcantara, Kate Valdez, Paul Salas, Michael Sager, at Ms. Coney Reyes.
May special participation din sa afternoon drama series ang batikang aktor na si Ariel Rivera.
Kabilang din sa cast ng Shining Inheritance sina Wendell Ramos, Glydel Mercado, Aubrey Miles, Roxie Smith, Gio Alvarez, Dave Bornea, Jamir Zabarte, Seth Dela Cruz, at Charuth.
Bago ang premiere ng naturang serye ay pormal na ipinakilala ang cast sa entertainment press sa naganap na media conference, kung saan ibinahagi nila ang kanilang karanasan sa taping at iba pang kaabang-abang na detalye sa serye.
Kilalanin ang stellar cast ng Shining Inheritance sa gallery na ito.