TV

EXCLUSIVE: Magiging masagana ang taong 2018 para kay Andre Paras

By Jansen Ramos

Magiging masagana ang pagpasok ng taong 2018 para sa Kapuso hunk na si Andre Paras dahil bukod sa show nitong Sunday Pinasaya, kabilang siya sa dalawang programang inaabangan ngayon sa Kapuso Network.


GMA 2018 new drama shows

Mapapanood siya sa susunod na taon sa upcoming primetime series na Sherlock, Jr. at sa telefantasyang Sirkus.

Marami tuloy ang nagtatanong kung bakit pinili niyang pagsabayin ang showbiz at ang kanyang basketball career. Kasalukuyan siyang naglalaro para sa AMA Titans team sa National Capital Region Athletic Association.

Andre Paras posts 15 points, 20 rebounds, 6 blocks in NCRAA debut for AMA

Sagot niya, “I still play for AMA. Doon din ako nagwo-workout sa kanila, may personal trainer ako. So, masaya rin ako kasi I get the best of both worlds with AMA and [show business].

Dagdag niya, nakakatulong ang pagte-training niya sa basketball para sa kanyang karakter sa telefantasyang Sirkus.

“Nag-g-gym ako pretty much three times a week. My character is serious, quiet pero funny and ‘yung powers niya is simple lang, strong man siya. I have a feeling na there will be basic grappling."

Abangan si Andre Paras sa Sirkus ngayong 2018.

Sirkus: Mamangha at maniwala sa mundo ng Salamanca