TV

EXCLUSIVE: Andre Paras admires Mikee Quintos' cool personality

By Jansen Ramos

Nangingibabaw ang kasiyahan para sa Kapuso hunk na si Andre Paras dahil barkada kung kanyang ituring ang mga kasama niyang artista sa inaabangang telefantasyang Sirkus.

Kasama niya sa serye sina Mikee Quintos, Mikoy Morales, Sef Cadayona, Klea Pineda, Chariz Solomon, Gardo Versoza at Cherie Gil.

Tila hindi niya ramdam na nagtatrabaho siya dahil magaan kasama ang mga ito.

Saad niya, “Minsan isang tent lang kami, minsan isang tambayan lang kami. Kapag breakfast, lunch or dinner, parati kami kumakain [nang] sabay-sabay. Minsan ‘di ko pa namamalayan 3 a.m. na, ‘di pa kami tapos [mag? taping] pero ang energy namin ang taas-taas kasi mino-motivate namin ‘yung isa’t isa. Pero 'pag nasa set naman, of course, professional. ‘Pag off cam, sobrang saya. Parang naging vacation ko na rin ‘to e kahit alam kong once a week lang [ang taping,] sana nga everyday kung kaya. Sobrang saya e.”

Mayroong guest artist ang Sirkus bawat episode pero kampante pa rin si Andre kung sino man ang mapapabilang dito.

“Kahit sinong cast [member] or guest mapasama, I’m sure click kaagad kasi sobrang saya e. Walang halong biro o kaplastikan, lahat parang natural lang kasi sanay na kami sa work. ‘Yung chemistry ang bilis lang e.”

Sa eksklusibong panayam ng GMANetwork.com, may pa-special mention pa ito kay Mikee Quintos. Masaya raw itong kakulitan pero pagdating sa pagtatrabaho ay napaka-professional nito.

 

Aniya, “She prepares so much. If you look at us mukhang hindi kami seryoso at wala sa focus sa trabaho pero deep inside nakakapag-prepare [kami] tapos kulitan.”

Dahil sa closeness nila, ginawa pa silang love team sa serye. Ibinida pa niya si Mikee dahil sa work attitude nito kahit bago pa lang siya sa industriya.

Saad niya, “Super dali lang niya [maging love team]. Super kilig lang. Super excited na nga kami. Sobrang saya. Sobrang dali. Nakakatuwa si Mikee kahit bago pa lang siya, ang dami na niyang bitbit o bala to make her character or to make the show lighter and fun. Kaya sobrang thankful ako kasama ko si Mikee hindi lang sa kakulitan, [kung 'di] sa work din. Marami kang ma-a-absorb sa kanyang learnings.”

?Gaganap si Andre Paras bilang taong-sirkus na may angking salamanca. Abangan 'yan sa Sirkus, malapit na.

Sirkus: Ang mga taong may angking Salamanca