TV

Cast ng 'Sirkus,' buong pusong nagpapasalamat sa lahat ng nanood ng kanilang pilot episode

By Jansen Ramos

Lubos na nagpapasalamat ang cast ng fantasy series na Sirkus sa mga nanood ng kanilang pilot episode kahapon, January 21.

Sirkus Trailer: Ang mundo ng Salamanca

Naging matagumpay ang launch nito dahil naging top trending topic ito sa Twitter. Kinagiliwan ito ng netizens at hinangaan pa ang cinematography, effects at kakaibang konsepto nito.


Pilot episode ng 'Sirkus,' umani ng papuri mula sa netizens

Ang lead stars ng Sirkus na sina Mikee Quintos at Mikoy Morales, ipinangakong mas maganda pa ang mga susunod na episode kaya dapat itong subaybayan.

 

 

Ang batikang aktres na si Cherie Gil, tinweet ang kanyang kasiyahan matapos mapanood ang kanilang pinaghirapan ng ilang buwan. Proud daw siya at naging parte siya ng Sirkus.

 

Saad niya, “Truly enjoyed watching #Sirkus pilot with the cast. Bravo to @Gmapublicaffairs team for a successful turnout. Well done! #proudtobepart”

Ang iba pang cast members nito, nagpaabot din ng pasasalamat sa social media.

 

 


Patuloy na subaybayan ang kakaibang mundo ng salamanca sa Sirkus tuwing linggo, 6:10 p.m.