TV

READ: Pilot episode ng 'Sirkus,' wagi sa nationwide TV ratings

By Jansen Ramos

Natunghayan na ang kakaibang mundo ng salamanca sa pilot episode ng Sirkus noong January 21.

WATCH: Pilot episode of 'Sirkus'

Marami ang namangha sa cinematography at visual effects nito, gayundin sa kalidad ng produksyon na ibinuhos dito.

READ: Pilot episode ng 'Sirkus,' umani ng papuri mula sa netizens

At dahil sa suporta ninyo, mga Kapuso, nanguna ito sa nationwide television ratings batay sa pinagkakatiwalaang AGB Nielsen.

Nagtala ito ng 43.6% total audience share batay sa Nationwide Urban Television Audience Measurement (NUTAM). Samantala, nakakuha naman ng 31.1% at 40.0% total audience shares ang mga programa ng kalabang istasyon.


Patuloy na subaybayan ang magical adventure nina Miko at Mia sa Sirkus tuwing Linggo, 6:10 p.m.

Maraming salamat, mga Kapuso!

Tags:
sirkus, ratings