
Nakatanggap si Julie Anne San Jose ng surprise coffee party mula sa kanyan fans, ang JAmantes, sa taping ng kanyang pinakabagong series na SLAY.
Sa Instagram, kitang-kita ang saya ni Julie Anne sa natanggap na coffee truck mula sa fans.
"Slay the day! Congratulations, Julie and team! Giving you latte love for the new series," mensahe ng fans kay Julie.
Kasalukuyang abala ngayon si Julie Anne sa kanyang kauna-unahang murder mystery series, ang SLAY, kung saan gaganap siya bilang Liv.
Makakasama ni Julie Anne sa SLAY ang iba pang lead cast na sina Gabbi Garcia, Mikee Quintos, at Ysabel Ortega, maging ang Kapuso hunk actors na sina Derrick Monasterio at Royce Cabrera.
Ang SLAY ang kauna-unahang Viu Original ng GMA. Magkakaroon ng magkaibang point of views ang kuwento ng SLAY sa GMA at Viu Original.
Abangan ang SLAY sa GMA Prime simula March 24. Samantala, napapanood na ang ibang side ng story nito sa Viu Original.
Panoorin ang teaser ng GMA Network para sa SLAY dito:
TINGNAN ANG NAGANAP NA MEDIA CONFERENCE NG SLAY SA GALLERY NA ITO: