GMA Logo Royce Cabrera
Photo by: royce.cabrera
What's on TV

Royce Cabrera, kinabahan at na-pressure nang mapasama sa cast ng 'SLAY'

By Aimee Anoc
Published March 13, 2025 2:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Royce Cabrera


"'Yung mindset ko nandito pa sa pagiging mastermind before, tapos biglang talon ako sa pagiging imbestigador." - Royce Cabrera

Mula sa pagiging mastermind sa Widows' War, gaganap naman ngayon bilang imbestigador si Royce Cabrera sa pinakabagong murder mystery series na SLAY.

Sa SLAY, makikilala si Royce bilang Juro, ang detective na maa-assign sa kaso ng fitness influencer na si Zach (Derrick Monasterio), na nasunog at namatay.

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com, sinabi ni Royce na "kinabahan at na-pressure" siya na muling gumawa ng isang murder mystery drama.

"Unang-una nagpapasalamat ako sa kanila na ako 'yung kinonsider for the role," sabi ni Royce. "And then, nagulat. 'Yon kinabahan nga ako, na-pressure kasi nga 'yung mindset ko nandito pa sa pagiging Jericho ko, mastermind before, tapos biglang talon ako sa pagiging imbestigador."

A post shared by Royce Cabrera (@royce.cabrera)

Sa kabila nang nararamdamang kaba at pressure, ani Royce, excited siyang gawin ang role niya sa serye. Nagbigay rin ito ng mga dapat na abangan ng manonood sa SLAY.

“Ang dapat n'yong abangan, kung sino ang tunay na salarin! At ang dapat n'yong abangan sa karakter ko ay kung ano ang papel ni Juro sa takbo ng buhay ni Zach at ng apat na babae."

Makakasama ni Royce sa SLAY ang lead stars na sina Gabbi Garcia, Mikee Quintos, Ysabel Ortega, at Julie Anne San Jose, maging ang Kapuso hunk actor na si Derrick Monasterio.

Ilan pa sa mga bituin na bubuo sa serye ay sina James Blanco, Tina Paner, Matet de Leon, Bernard Palanca, Phoemela Baranda, Chuckie Dreyfus, Simon Ibarra, Jay Ortega, at Gil Cuerva.

Abangan ang SLAY simula March 24, 9:25 p.m. sa GMA Prime.

Panoorin ang teaser ng GMA Network para sa SLAY rito:


TINGNAN ANG NAGANAP NA MEDIA CONFERENCE NG SLAY SA GALLERY NA ITO: