GMA Logo Matet De Leon Phoemela Baranda in Slay
What's on TV

Tapatan nina Matet de Leon at Phoemela Baranda, abangan sa 'SLAY'

By Aimee Anoc
Published April 22, 2025 11:05 AM PHT

Around GMA

Around GMA

China not a 'benign, cuddly panda' in WPS disputes — PH envoy
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News

Matet De Leon Phoemela Baranda in Slay


Si Marga (Phoemela Baranda) nga ba ang nagpadala ng scandal video nina Liv (Julie Anne San Jose) at Zach (Derrick Monasterio) sa imbestigador?

Mainit ang mga susunod na eksenang masasaksihan sa murder mystery series na SLAY.

Isa sa aabangan ang tapatan ng mga karakter nina Matet de leon bilang Leona (ina ni Liv) at Phoemela Baranda bilang Marga (ina ni Amelie).

Sa teaser ng SLAY, galit na galit na kinompronta ni Leona si Marga matapos na malamang posibleng ang huli ang nagpadala ng scandal video nina Liv (Julie Anne San Jose) at Zach (Derrick Monasterio) kay Inspector Juro (Royce Cabrera).

Matatandaan na dinala sa presinto si Liv para kuwestiyunin tungkol sa naging pagbabanta nito kay Zach sa video at kung may kinalaman ba ito sa pagkasunog at pagkamatay ng kanyang ex-boyfriend.

May hinala si Amelie (Gabbi Garcia) na maaaring ang inang si Marga (Phoemela) ang nagpadala ng video kay Inspector Juro.

Samantala, malalaman na ni Liv na kay Amelie galing ang tea tree oil, na isa sa mga nakuhang ebidensya sa pagkamatay ni Zach.

Abangan 'yan sa SLAY, Lunes hanggang Huwebes, 9:30 p.m. sa GMA Prime.

MAS KILALANIN ANG CAST NG SLAY SA GALLERY NA ITO: