
Para sa ikaapat na linggo ng murder mystery series na SLAY, si Liv (Julie Anne San Jose) ang bagong suspek na itinuturo ng SLAY viewers sa pagkasunog at pagkamatay ni Coach Zach (Derrick Monasterio).
Base sa poll result, si Liv ang nakakuha ng pinakamataas na boto na may 27.5 percent. Pumapangalawa naman si Amelie (Gabbi Garcia) na may 24.1 percent votes, na sinundan ni Sugar (Mikee Quintos) na may 6.89 percent votes at Yana (Ysabel Ortega) na may 3.44 percent votes.
Noong Lunes (April 21), sumailalim sa interogasyon si Liv matapos na makarating kay Inspector Juro (Royce Cabrera) ang video nang matinding pagtatalo nila ni Zach, kung saan pinagbantaan ni Liv ang ex-boyfriend ng "Die Zach is coming next."
Ngayong Miyerkules (April 23), bagong ebidensya ang makukuha kay Liv, ang tea tree oil, na isa sa mga ebidensya sa pagkasunog ni Zach. Dahil sa patong-patong na ebidensya, sinabihan na ni Inspector Juro si Liv na maaari niya itong sampahan ng kasong murder.
Si Liv nga ba ang tunay na salarin sa pagkasunog at pagkamatay ni Coach Zach?
Abangan ang SLAY, Lunes hanggang Huwebes. 9:30 p.m. sa GMA Prime.
MAS KILALANIN ANG CAST NG SLAY SA GALLERY NA ITO: