
Sasabog ang galit ni Liv (Julie Anne San Jose) sa kapatid niyang si Amelie (Gabbi Garcia)!
Sa teaser na inilabas ng SLAY ngayong Miyerkules, April 30, makikita na ni Liv ang scandal video nina Amelie at Zach (Derrick Monasterio).
Labis ang galit ni Liv nang malaman na nagkaroon ng sikretong relasyon sina Amelie at Zach dahil hindi lamang ang noyo niya ang nanloko sa kanya, maging ang sariling kapatid.
Paano kaya ipaliliwanag ni Amelie kay Liv ang nangyari sa kanila ni Zach?
Abangan ang mainit na tapatang 'yan sa SLAY ngayong Miyerkules, 9:30 p.m. sa GMA Prime.
MAS KILALANIN ANG CAST NG SLAY SA GALLERY NA ITO: