
Painit nang painit ang mga eksenang dapat na abangan sa murder mystery series na SLAY.
Sa teaser na inilabas ng SLAY ngayong Lunes, haharapin ni Amelie (Gabbi Garcia) ang mabigat na problemang dala nang kumalat na scandal video nila ni Zach (Derrick Monasterio) at muling haharap sa interogasyon.
Bukod dito, haharapin din niya ang galit ng fiancé na si Luke (Gil Cuerva).
Samantala, magkakainitan at pisikalan naman sina Hector (James Blanco) at Lenard (Bernard Palanca) dahil sa isyu nina Amelie at Zach.
Abangan 'yan sa SLAY ngayong Lunes, 9:30 p.m. sa GMA Prime.
MAS KILALANIN ANG CAST NG 'SLAY' SA GALLERY NA ITO: