
Bagong ebidensya ang lumitaw matapos na ipa-autopsy ang bangkay ni Zach (Derrick Monasterio) at napag-alamang nakainom ito ng lason!
Sa teaser na inilabas ng SLAY ngayong Lunes (May 26), muling ipinatawag ni Inspector Georgia sina Amelie (Gabbi Garcia), Sugar (Mikee Quintos), Yana (Ysabel Ortega), at Liv (Julie Anne San Jose) nang makumpirmang may naglagay ng eye drops sa water bottle ni Zach.
Dahil dito, panibagong bitag ang gagawin ni Inspector Georgia para malaman kung sino ang lumason kay Zach!
Sino kaya kina Amelie, Sugar, Yana, at Liv ang naglagay ng eye drops sa tubigan ni Zach?
Abangan 'yan sa SLAY ngayong Lunes, 9:30 p.m. sa GMA Prime.
MAS KILALANIN ANG CAST NG SLAY SA GALLERY NA ITO: