TV

Pang-aalipusta nina Eunice at Maita kay Jodi sa 'Stairway To Heaven'

By Jansen Ramos

Sa pangalawang episode ng Stairway To Heaven, nagsimula na ang pang-aalipusta ni Eunice (Joana Marie Tan) at Maita (Jean Garcia) kay Jodi (Barbie Forteza).

Ninakaw ng una ang damit na bigay ni Cholo (Joshua Dionsio) kay Jodi para suotin sa eskwela, at sinubukang sirain matapos itong ibalik.

Pinagbuhatan din ng kamay ng mag-ina si Jodi habang wala sa kanilang bahay ang kanyang amang si Jovan (Jestoni Alarcon).

Samantala, susubukan ni Eunice na mapaibig si Cholo dahil sa pambubuyo ng kanyang inang si Maita.

Gusto ng huli na magkatuluyan ang dalawa para mapasakamay niya ang kayamanan ng pamilya ni Cholo, na nagmamay-ari ng Eldar's Kingdom.


Balikan ang mga eksenang 'yan dito:




Muling ipinapalabas ang Stairway To Heaven bilang pansamantalang kapalit ng Prima Donnas.


Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.

Patuloy na subaybayan ang hit 2009 drama series, Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime

Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Prima Donnas at ng iba pang existing Kapuso programs sa GMANetwork.com at GMA Network app.