TV

Alok na kasal ni Charlie kay Jenna sa 'Stairway To Heaven'

By Jansen Ramos

Sa Episode 28 ng Stairway To Heaven, naglakas-loob na si Charlie (TJ Trinidad) na alukin ng kasal ang kanyang nobyang si Jenna (Rhian Ramos).

Tinanggap naman ito ng huli ngunit hindi bukal sa kanyang puso.

Nang malaman ni Cholo na engaged na ang dalawa, sapilitan niyang pinabalik si Jenna sa opisina para magtrabaho.

May karapatan siyang gawin ito dahil lumabag si Jenna sa pinirmahan niyang kontrata.

Ito na kaya ang paraan ni Cholo para mapigilan niya ang pagpapakasal ng dalaga kay Charlie?

Balikan ang eksenang 'yan dito:

Muling ipinapalabas ang Stairway To Heaven bilang pansamantalang kapalit ng Prima Donnas.

Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.

Patuloy na subaybayan ang hit 2009 drama series Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Prima Donnas at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.