TV

Naudlot na kasal nina Jenna at Charlie sa 'Stairway To Heaven'

By Jansen Ramos

Sa epsiode 36 ng Stairway To Heaven, nadismaya si Jenna (Rhian Ramos) dahil hindi dumating sa tamang oras si Charlie (TJ Trinidad) sa kanilang kasal.

Excited pa man din ang binata sa kanilang pag-iisang dibdib ngunit napasarap ang tulong niya matapos ang kanyang bachelor party, kaya na-late siya ng pagpunta sa munisipyo.

Dahil dito, nainip ang judge na nag-udyok kay Jenna para hindi ituloy ang kasal.

Balikan ang eksenang 'yan dito:

Muling ipinapalabas ang Stairway To Heaven bilang pansamantalang kapalit ng Prima Donnas.

Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.

Patuloy na subaybayan ang hit 2009 drama series Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Prima Donnas at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.