GMA Logo Marian Rivera, Pokwang, Coach Jay
What's on TV

Marian Rivera, Pokwang, Coach Jay, bibida bilang 'The Dance Authority' sa 'Stars on the Floor'

By Karen Juliane Crucillo
Published May 24, 2025 10:01 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Sino si Dr. Reginald Santos, ang asawa ni Carla Abellana? | GMA Integrated Newsfeed
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

Marian Rivera, Pokwang, Coach Jay


Handa nang magbigay ng hatol sa sayawan sina Marian Rivera, Pokwang, at Coach Jay bilang 'The Dance Authority' sa pinakabagong dance competition na 'Stars on the Floor.'

Magsasama sama ang powerhouse trio na sina Marian Rivera, Pokwang, at Coach Jay, sa pinakabagong dance competition na Stars on the Floor.

Makikisaya sa ultimate dance collab sina Marian, Pokwang, at Coach Jay bilang 'The Dance Authority.'

Kakaibang kombinasyon ng ganda, tawa, at galawan dahil si Marian ay kikilanin bilang "Primetime Queen," si Pokwang bilang "Star Comedienne," at si Coach Jay bilang "Dance Trend Master."

Si Asia's Multimedia Star Alden Richards naman ang magsisilbing host ng dance competition.

Humanda na sa ultimate COLLABanan ng mga bituin sa sayawan dahil pagsasamahin ang pinakamalalaking pangalan mula sa telebisyon at digital world sa dance reality competition na Stars on the Floor, na mapapanood na ngayong June 28 sa GMA.

Samantala, balikan naman dito ang hosting career ni Alden Richards: