
Mainit-init pa ang launch trailer na inilabas ng upcoming dance competition na Stars on the Floor, at agad nitong binigyan ng excitement ang mga netizens na nagaabang na sa ultimate COLLABANAN sa Sayawan.
Sa launch trailer, makikitang ipinakilala ang mga celebrity dance stars na sina Glaiza De Castro, Rodjun Cruz, Faith Da Silva, Thea Astley, at VXON Patrick.
Ibinida rin ang mga digital dance stars na sina Dasuri Choi, Zeus Collins, JM Yrreverre, Joshua Decena, at Kakai Almeda.
Kasunod namang ipinakita ang powerhouse dance authority na sina Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, Star Comedienne of the Dance Floor Pokwang, at Dance Trend Master Coach Jay.
Sa dulo, lumabas si Asia's Multimedia Star Alden Richards bilang host na nagaya ng "COLLABANAN na!"
Narito ang ilan sa mga reaksyon ng netizens sa launch trailer ng Stars on the Floor:
Abangan ang Stars on the Floor ngayong June 28 sa GMA.
Samantala, mas kilalanin pa dito ang celebrity at digital dance stars sa gallery na ito: