
Hindi lang celebrity at digital dance stars ang may pasabog sa upcoming dance competition na Stars on the Floor kundi pati na din ang host na si Alden Richards at ang dance authorities na sina Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, Dance Comedienne of the Dance Floor Pokwang, at Dance Trend Master Coach Jay.
Sa report ni Lhar Santiago sa 24 Oras nitong Huwebes, June 26, ibinahagi nina Alden, Marian, Pokwang, at Coach Jay na sasabak din sila sa dance floor ng naturang show.
Ibinida ni Alden na 1 million percent sure ito na sila ay magpapakita din ng kanilang dance moves.
"Ang ganda lang kasi ganoon ka-holistic yung show. Ganoon siya ka-creative 'e pati kami i-ninvolve sa lahat," sabi ni Asia's Multimedia Star at Box Office King.
Mukha mang isang challenge ito para sa dance authorities, ngunit handa daw si Marian at Pokwang sa kanilang mga pasabog na performances.
"Takot kaming subukan pero tinanggap namin para tignan namin kung paano namin ipe-perform," ikinuwento nito.
"May natutunan din kami doon sa aming mga contestants, isa sa ating mga stars on the floor. Parang hiyang hiya naman kami sa sarili namin kung hindi kami gagawa diba," sabi ni Pokwang.
Samantala, kahit kilalang isang mahusay na choreographer, ibinahagi ni Coach Jay na mayroon itong nasubukang bagong genre dahil sa dance show.
"Yung pinakaa-ano ko dito is mayroon akong tri-ny na isang genre kasi na hindi ko naman talaga ginagawa, masaya pala siya," ikinuwento ni Coach Jay.
Kahit maraming kaibigan ang dance authorities sa celebrity at digital dance stars, mananatili daw silang propesyunal sa pag-judge.
"Wala munang kaibigan kaibigan. Doon muna tayo sa totoong performance," sabi ni Marian.
Ang mga hahataw na celebrity dance stars ay sina Glaiza de Castro, Rodjun Cruz, Faith da Silva, Thea Astley, at VXON Patrick. Samantala, ang digital dance stars na sina Zeus Collins, Dasuri Choi, JM Yrreverre, Kakai Almeda, at Joshua Decena ay handa na din makipagsabayan sa dance floor.
Mapapanood na ang Stars on the Floor simula ngayong Sabado, June 28, 7:15 p.m., sa GMA.
Panoorin ang buong balita dito:
Samantala, balikan dito ang kaganapan sa nagdaang mediacon ng Stars on the Floor: