GMA Logo Marian Rivera
Source: marianrivera (IG)
What's on TV

Marian Rivera, nagbigay ng hint sa posibleng pagbabalik ng 'Stars on the Floor'

By Karen Juliane Crucillo
Published July 13, 2026 2:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Iran will halt strikes as long as US bombing pause holds
Maximum tolerance on protest actions during SONA
Farm to Table: (July 26, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Marian Rivera


Umaasa si Marian Rivera na magkakaroon ng Season 3 ang 'Stars on the Floor.'

Maliban sa Dance Universe, nami-miss din ni Marian Rivera ang hit dance reality competition na Stars on the Floor.

Ayon sa report ni Nelson Canlas para sa 24 Oras, inamin ng Kapuso actress na hinahanap-hanap niya ang pagpunta sa set ng dance show.

Nagbigay rin siya ng pahiwatig na posibleng mapanood muli ang Stars on the Floor.

"Nami-miss. Nakaka-miss din pero malay mo bumalik kami for Season 3," pahayag niya.

Si Marian ang nagsilbing head ng Dance Authority sa Stars on the Floor, kasama sina King of the Dance Floor Rayver Cruz at Dance Trend Master Coach Jay.

Matatandaang sina Sugar Mercado at HORI7ON Jeromy ang itinanghal na Ultimate Dance Star Duo sa ikalawang season ng Stars on the Floor, na nagtapos noong May 31.

Panoorin ang buong balita dito:

Video courtesy of GMA News (FB)

RELATED GALLERY: All the times Marian Rivera served glam on 'Stars on the Floor'