TV

Regine Velasquez, pressured sa pagiging 'StarStruck' judge



Sanay si Regine Velasquez na maging host ng singing at talent contests. Subalit unang beses niya maging isang hurado sa darating na season ng StarStruck.
 
"Normally, [sa] mga contest, I'm usually hosting it, so it's my first time to be a judge… I'm also happy to be part of the whole process kasi kumbaga, nakasalalay sa aming tatlo 'yung pagpili ng susunod nating artista o superstar so medyo may pressure ng konti but at the same time, it's very exciting," sabi niya.
 
Inamin ng Asia's Songbird na hindi niya pa alam kung paano ang magiging approach niya sa pagiging judge.
 
"'Di ko nga alam. 'Di ako marunong kasi never ko pa na-e-experience 'yung mag-judge eh," kuwento niya.
 
Sa tingin niya ay hindi siya magiging istrikto, sa halip, baka lumabas pa ang kanyang pagiging ina. Paliwanag niya, "It's not naman in my personality to be mean, but I think puwede naman ako mag-critique in such a way na they won't naman feel bad. Importante din 'yun kasi how will they know kung saan sila bagay o kung saan sila nagkakamali o kung ano 'yung dapat nilang i-improve kung none of the judges will actually say it?"
 
Ilan sa Top 35 contestants pa lang ang nakikita niya ngunit excited na siyang makilala sila.
 
"They're all very pretty, matatangkad. I'm hoping na matatapatan ng talento nila 'yung kanilang kagandahan," sabi niya.
 
Mapapanood na simula sa Lunes, September 7 ang pinakabagong season ng StarStruck!
 
Sino sa Top 35 ng StarStruck VI ang bet mo?