TV

Kris Bernal, ramdam ang 'StarStruck' hopefuls

By BEA RODRIGUEZ

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Naiyak ang Social Media Bae na si Kris Bernal sa pilot episode ng reality-based artista search na StarStruck nang mabigong mapabilang ang isa sa mga hopefuls sa Top 14.

WATCH: Kris Bernal, naiyak dahil sa isang “StarStruck” hopeful 

“Everytime someone gets emotional, nararamdaman ko sila. When someone cries, umiiyak din ako. ‘Pag may sobrang saya, tuwang-tuwa din ako,” ang naging reaksyon ng aktres.

Naalala pa rin niya ang kanyang mga karanasan kahit pitong taon na ang nakalipas at damang-dama raw niya ang mga contestants ng Season 6.

“Kasi parang alam ko kung ano ‘yung pinagdaanan nila eh and also nandun din ako sa point [dati] na uhaw na uhaw ako, na gusto ko maging artista, so ramdam ko sila,” saad ng Ultimate Female Survivor ng StarStruck Season 4 sa panayam ng GMANetwork.com.

READ: “Bakit ako nanalo?” –Kris Bernal on conquering 'StarStruck' 

Dagdag pa ni Kris, “Umabot talaga sa point na gagawin mo talaga lahat para lang maabot mo ‘yung dreams mo, so naramdaman ko ‘yun sa kanila.”

Unting-unti na raw nakikilala ng aktres ang mga contestants kaya pati siya ay apektado sa mga pangyayari. Aniya, “Parang patagal nang patagal, I get to know them better. Hindi lang ‘yung sa nakikita nila sa competition pero mas nakikilala ko sila sa loob [at] mas nakikilala ko sila personally.”

Sa StarStruck pa raw siya unang sumabak sa hosting. Sambit ng dalaga, “‘Di talaga ako makapaniwala na. Ba’t ako na ang nag-i-interview sa kanila?”

Samantala, confident si Kris na dalhin ang show kahit first time niya ito. “I had taken a lot of hosting workshops para ready ako. Na-e-enjoy ko siya kasi parang I can be myself, parang nalalabas ko ‘yung pagiging bubbly ko and at the same time ‘yung personality ko [at] ‘yung feelings ko towards the contestants,” pagtatapos niya.

WATCH: StarStruck: Kris Bernal