TV

Megan Young, umaming big fan ni Jennylyn Mercado

By LORETTA RAMIREZ

Kahapon ginanap ang first live broadcast ng StarStruck Season 6. Dito ini-reveal ang isang shocking twist sa original artista search. For the first time in six seasons, magkakaroon ng dalawang sets ng Top 14.

Ikinatuwa ng mga manonood ang surprise na ito ng programa, pati ang mga hosts at judges ng show, masaya para sa StarStruck hopefuls.

READ:'StarStruck' season 6 airs first live broadcast, announces shocking twist 

Kasama na rito si Miss World 2013 Megan Young, isa sa mga hosts ng show. Bukod sa pagkakaroon ng Dream 14 at Believe 14 teams, special para sa Marimar actress ang season na ito ng StarStruck dahil makakasama niya ang kanyang iniidolo at ang kanyang inspirasyon noong sumali rin siya sa naturang artista search. Ito ay walang iba kung hindi si Jennylyn Mercado, ang unang Ultimate Female Survivor ng StarStruck at ngayon ay isa rin sa mga judges ng programa.

IN PHOTOS: Meet the hosts and judges of StarStruck VI

Sa isang post sa Instagram, inihayag ni Megan ang kanyang damdamin ng makasama niya ang kanyang idolo sa programang parehong tumupad ng kanilang mga pangarap.

“I remember watching Starstruck everyday after school. I aspired to be like the Starstruck survivors, most especially this lady right here @mercadojenny! I was a huge fan back then, buying her album and watching her movies/tv shows. Kung di lang ako sa Subic nakatira nun, baka pumunta na rin ako sa mga mallshows nila nun ???? So when they announced auditions for season 2, I immediately wanted to join so that I could achieve my dreams just like my idol. So surreal that we are working together! The inner teenager in me has come to like and is kilig to the bones ???? By the way, I'm still a big fan of Jen and I'll never get tired of saying that! ?? #Starstruck.”