TV

WATCH: Requirements at audition dates ng bagong season ng 'StarStruck'

By Michelle Caligan

Muli na namang magsisimula ang bagong season ng reality-based artista search na StarStruck.

WATCH: StarStruck: Soon on GMA | Teaser

Naglabas na ang programa ng requirements at audition dates para sa mga gustong sumali. Bukas ito sa lahat ng male and female aspirants, 16 to 21 years old, and of Filipino descent.

Kailangan nilang magdala ng original copy at photocopy ng kanilang birth certificate, at isang close-up at isang full body photo. Kung below 18 years old, maaaring magdala ng certification na siya ay allowed to audition na dapat ay pirmado ng magulang. Dapat ay magdala rin ng photocopy ng parent's ID.

Narito naman ang audition dates sa iba't ibang lugar sa Pilipinas:

January 21 - Manila

January 26 - Cagayan de Oro

January 27 - Butuan

February 9 at 10 - Naga

February 16 at 17 - Cebu

March 2 at 3 - Davao

March 9 - Iloilo

March 10 - Bacolod

March 23 at 24 - Dagupan