TV

Kris Bernal, may payo sa 'StarStruck' hopefuls

By Maine Aquino

Binisita ni Kris Bernal ang mga pumila sa unang araw ng Manila auditions para sa StarStruck.

Kris Bernal

Si Kris Bernal ay hinirang bilang StarStruck Season 4 Ultimate Female Survivor, kaya naman sa kanyang pagbisita ay naalala niya ang kanyang pinagdaanan noong siya ay nag-audition para sa reality-based artista search.

IN PHOTOS: #TheStarStruckExperience begins

Kuwento ni Kris nitong January 21 sa mga nakasalamuha niyang auditionees, "Ganyan din ako noon. Ang haba din ng pila noon! Good luck! Quezon City din ako noon eh. Ako 'yung nag-represent ng Quezon City. So good luck sa inyong lahat. Galingan ninyo."

Nagbigay naman si Kris ng payo sa mga gustong tuparin ang kanilang pangarap na makapasok sa StarStruck.

"Kaya niyo 'yan basta lakasan niyo lang 'yung loob niyo."

Natatawang dagdag pa ni Kris, kailangang kapalan umano ng hopefuls ang kanilang mukha para maipakita ang kanilang talento. Ayon kay Kris, ito ang kanyang ginawa para magwagi sa StarStruck.

"Kapalan niyo lang 'yung mukha ninyo. Ganun lang 'yun. Ako kinapalan ko lang 'yung mukha ko. Hindi ako kumakanta noon eh. Hanggang ngayon naman hindi pa rin ako kumakanta. Hindi ako sumasayaw noon. Tapos siyempre 'yung background ko for acting sa mga school plays lang naman. But then, pinush ko eh. Ang kapal ng mukha ko eh."

Pagpapatuloy pa ni Kris, ang pagsunod, pagdarasal at ang pagmamahal sa pamilya ang dapat nilang pakatandaan.

"Galingan niyo. Ibigay ninyo lagi 'yung best n'yo. Maging masunurin lang kayo lagi. Huwag kayong maging pasaway at ipag-pray ninyong mabuti. Maganda talagang panlaban ang prayer more than isipin mo kung sino mga kalaban mo. Tsaka laging nandiyan 'yung support ng family ninyo. Sila 'yung lagi ninyong iiyakan."

Ipinaalala rin ni Kris na sana magkita-kita sila ng mga makakapasok sa auditions. "Good luck ha! Kita-kita tayo kung sino-sino man sa inyo ang makapasa."

Ang auditions para sa StarStruck ay gaganapin mula January 21 hanggang February 15.

WATCH: StarStruck hopefuls, maagang pumila para mag audition