TV

Chariz Solomon's advice to 'StarStruck' hopefuls: 'Ipakita mo kung ano ka talaga'

By Aedrianne Acar

Kinakabahan ang Bubble Gang comedienne na si Chariz Solomon para sa mga nakikita niyang libo-libong nago-audition para sa new season ng groundbreaking reality artista-search on TV na StarStruck.

Chariz Solomon


Matatandaan na sumali ang Kapuso actress sa season 4 ng StarStruck (StarStruck: The Next Level ) noong 2006 kung saan batchmates niya sina Kris Bernal, Paulo Avelino at Rich Asuncion.

Sa one-on-one interview ni Chariz sa GMANetwork.com ngayong araw (February 4) sa isang studio sa GMA Network kung saan siya nagte-raping para sa show na Bubble Gang, sinabi nito na nakakakaba talaga sa unang bahagi pa lamang para makapasok sa StarStruck.

“Kinakabahan ako para sa kanila. And talagang nung nag-talk ako ng konti in front of all of them sinabi ko talaga 'yung totoo.”

'StarStruck' Season 7 begins nationwide auditions

Nagbigay din ng advice si Chariz nang makaharap niya ang mga StarStruck hopefuls na dapat magingprofessional at magpakatotoo.

Saad niya, “Mahirap 'to and magastos siyempre. And sabi ko 'yung pinaka-importante trait na dapat mayrun sila,work ethics, importante 'yung professionalism.

“And dapat alam mo kung ano 'yung gusto mong mangyari, kailangan may plano ka. Alam mo kung ano ka and ipakita mo kung ano ka talaga.”

For more information and updates about the nationwide audition of StarStruck, follow www.gmanetwork.com.