TV

WATCH: Young beauty queen, nag-audition sa 'StarStruck' para maging mabuting impluwensya sa mga Pilipino

By Maine Aquino

Si Zane Anne Parel ay matapang na hinarap ang mga StarStruck judges para matupad ang kanyang mga pangarap na maging isang artista.

Zane Anne Parel

Si Zane ay isang young beaty queen dahil napabilang umano siya sa dating segment ng Eat Bulaga na Miss Millennial 2018.

Kuwento ng StarStruck hopeful, "Last year, I joined the Miss Millennial Philippines 2018. It's a segment of Eat Bulaga. Nanalo po kasi ako ng Queen Isabela 2018 kaya automatically ako po 'yung representative ng Isabela sa Miss Millennial Philippines 2018."

WATCH: #TheStarStruckExperience goes to Davao and Dagupan

Ayon kay Zane gusto niyang maging mabuting ehemplo sa mga mamamayan ng Pilipinas. "Clear ako sa vision ko to dedicate my whole life for the Philippines."

Dagdag pa niya, "Honestly I want to be an artist or celebrity kasi I really want to have that power to influence the people. Kasi I think that's the best way, me as a young person, I think to really help the Philippines."

Ipinarating rin ni Zane na confident siya na makakapasok siya sa 7th season ng reality-based artista search ng GMA Network.

"Malaki ang potential ko sa StarStruck dahil kaya ko at kakayanin ko."