TV

WATCH: Dating 'StarStruck Kids' hopeful, muling susubukan ang kapalaran sa showbiz

By Maine Aquino

Hindi nagtagumpay si Aerikah Gaji ng Bulacan sa kanyang unang pagsabak sa mundo ng showbiz sa pamamagitan ng StarStruck Kids.

Ngayong StarStruck season 7, makakamit na kaya niya ang pangarap na matagal niya nang inaasam?

Kuwento ng StarStruck hopeful, 7 years old pa lamang siya ay gusto niya nang mag-artista.

"Noong 7 years old po ako nag-audition po ako sa StarStruck Kids. Ang natatandaan ko po that time, pumila po kami nang sobrang aga. Madilim pa dito sa harap ng GMA.... That time mahiyaan pa ako eh. Hindi pa po buo ang loob kaya siguro hindi ako napasok sa StarStruck Kids."

Sa StarStruck Kids na umere noong 2004 nagmula ang Kapuso stars na sina Miguel Tanfelix, Bea Binene, Ella Guevara at Paul Salas. Kuwento ni Aerikah ay masaya siya na nakikita ang mga dapat sana'y ka-batch sa showbiz.

"Ngayong nakikita ko sila na sobrang successful na nila sa industry na 'to, sobrang natutuwa ako. Alam niyo 'yung feeling na parang gusto mo din na makamit kung ano 'yung nakamit nila ngayon."

Sabi ni Aerikah ay hindi siya magpapahuli ngayong 7th season ng StarStruck.

"I'm Aehrika and I'm still dreaming, and I never stopped believing and I hope na mag-survive ako this time."