TV

WATCH: 'StarStruck' hopeful, binago ang buhay para sa pamilya

By Maine Aquino

Bata pa lamang si Jake Edrozo ay naligaw na umano siya ng landas. Sa kanyang pag-audition sa StarStruck ay nais niyang ipakita na hindi lang ang pagbabagong buhay ang kaya niyang gawin kundi pati rin ang pagsisikap na tulungan ang kanyang pamilya.

Jake Edrozo

Ani ng StarStruck hopeful, 13 years old lamang siya nang magsimula siyang malulong sa bisyo na sigarilyo at alak.

Sinikap ni Jake na magbago ang kanyang buhay dahil sa kanyang pagsisisi na naramdaman. Namulat umano siya sa paghihirap na pinagdadaanan ng kanyang pamilya, lalo na ng kanyang ina.

"Kinamumuhian ko 'yung kasalanan ko kasi hindi ko tinitingnan 'yung pamilya ko na nagdurusa. 'Yung nanay ko naghihirap dahil sa kahirapan namin sa buhay."

Ang pagsisikap umano ni Jake na tumulong sa kanyang pamilya ang kanyang naging inspirasyon upang subukan ang kapalaran sa reality-based artista search.

"Napag-isipan kong mag-audition kaya ako. Baka sakaling makuha ako."

Panoorin ang StarStruck story ni Jake: