TV

WATCH: Kilalanin ang mash-up princess na nag-audition sa 'StarStruck'

Ang 19 years old na si Angelica Feliciano ay nais ipagpatuloy ang nasimulan na niya sa showbiz kaya naman pumila siya sa reality-based artista search na StarStruck.

Si Angelica ay kilala online bilang mash-up princess at ito umano ang kanyang talentong ipinamalas sa publiko at sa kanyang audition.

"Gumagawa po ako ng mash-up, singing and guitar. Pinaghahalo-halo ko po 'yung iba't-ibang kanta, ginagawa ko pong isang kanta lang po 'yun."

Saad pa ng StarStruck hopeful ay ang kanyang talento ang naging dahilan kung bakit siya na-feature sa ilang Kapuso shows.

Aniya, "Na-feature po ako sa Kapuso Mo, Jessica Soho three times. Binigyan po nila ako ng isang segment po doon na para lang po sa akin bilang mash-up princess."

Dagdag pa niya, "'Yung mga videos ko po na ina-upload bilang mash-up meron po akong million, 2 million, dahil nag-trending po 'yung live performance ko sa Wowowin na umabot po ng 7 million."

Panoorin ang StarStruck story ni Angelica Feliciano.