TV

'StarStruck' hosts at council, umani ng papuri online

By Maine Aquino

Ginulat ng StarStruck hosts at council ang mga netizen nang sila ay ni-reveal na parte ng latest season ng original reality-based artista search.


WATCH: Meet 'StarStruck's' hosts and council


Ang bagong StarStruck hosts at council ay kinabibilangan nina Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado, Cherie Gil, Heart Evangelista at Jose Manalo. Sila ang mga maghahanap ng nararapat na maging Ultimate Male and Female Survivors ngayong 2019.

Ilan sa mga comments ay natuwa raw sila sa napiling hosts and council ng 7th season ng StarStruck.


May ilan ding na-impress at na-excite sa set of judges dahil siguradong maraming matututunan ang hopefuls mula sa kanila.


Abangan sila sa nalalapit na pagsisimula ng StarStruck on GMA Network.