TV

Dingdong Dantes, hanga sa narating ni Jennylyn Mercado mula nang maging 'StarStruck' Ultimate Female Survivor

By Maine Aquino

Proud si Dingdong Dantes sa narating ng kanyang co-host na si Jennylyn Mercado simula nang siya ay nanalo bilang unang Ultimate Female Survivor ng StarStruck.

Dingdong Dantes


Matatandaang si Dingdong ay ang naging host ng unang season noong 2003, kung kailan nagwagi si Jennylyn.

"Ang daming opportunities na naibigay sa kanya and nandiyan yung pag-arte, nandiyan 'yung pagkanta, lahat 'yun ibinigay ng GMA,” sabi ni Dingdong sa ginanap na media conference ng StarStruck nitong Lunes, June 10.

WATCH: 'StarStruck' hosts, sumabak sa auditions

Humanga umano si Dingdong dahil sa pagpupursige ni Jennylyn kaya nakilala siya bilang isang magaling na aktres sa industriya.

"'Yung commitment niya noong nanalo siya, kitang-kita ko yung pagiging consistent niya sa kanyang commitment dito, sa pagganap sa mga roles niya,” sabi ng Kapuso Primetime King.

Dagdag pa ni Dingdong malayo na ang narating ni Jennylyn simula sa pagiging Ultimate Female Survivor ng StarStruck hanggang sa ngayon na gumagawa siya ng Primetime series na Love You Two.

"'Yung progress at 'yung pagiging magaling niya ay palaging nag-i-improve.

“And siguro magandang ehemplo ngayon yung kanyang current teleserye, di ba, kitang-kita natin ang kanyang kagalingan sa rom-com."

Panoorin sina Dingdong at Jennylyn bilang hosts sa StarStruck season 7 simula ngayong June 15 pagkatapos ng Daddy's Gurl.