TV

Cherie Gil, ibinahagi ang kuwento ng linyang 'Don't Call Me Tita' sa teaser ng 'StarStruck'

By Maine Aquino

Inamin ni Cherie Gil na idinagdag lang niya ang linyang "Don't Call Me Tita" sa teaser na kanilang ginawa para sa StarStruck season 7.

Cherie Gil

Kuwento ni Cherie sa ginanap na media conference nitong June 10, matagal nang running joke ang linyang ito sa kanyang mga kasamahan sa industriya.

"Actually hindi kasama sa script 'yun eh. Pero naging running gag na sa mga tapings na, sa mga kasama ko sa set, sa grupo, sa styling team ko, alam na nila 'yung line na 'yun."

Sino kina Cherie Gil at Heart Evangelista ang kinakampihan ni Jose Manalo sa pag-judge sa StarStruck?

Sa pagpa-practice umano ng spiels ni Cherie ay napagdesisyunan niyang idagdag na lang ang linyang ito.

"Oo nga, 'Don't call me Tita!' Sinabi ko na rin sa script, pumayag naman ang director."

Ang iconic "Don't call me Tita" line ni Cherie ay nagmula sa kanyang viral post na kumalat sa social media.

IN PHOTOS: 'StarStruck' season 7 media conference

Kuwento ni Cherie, "Ipinasa na ni Lea Salonga, she posted it and shared it and, somehow, it became viral to the point na blogs were written about it. It became a social issue."

Saad ng StarStruck judge, marami ang naka-relate sa kanyang post sa social media.

"'Yun pala, marami na ang nag-a-identify sa akin na mga women my age, who actually find it awkward to be called Tita just because it's meant that you're older. So what gives you the right to address someone as Tita? So 'yun, naging usap-usapan, dun na nag-start."

Ayon kay Cherie, may mga piling tao lang ang puwedeng tumawag sa kanya ng "Tita."

"Para sa akin kasi, kokonti lang ang puwedeng tumawag sa akin na Tita. 'Yung mga kilala ko... I uphold the term Tita to those who really deserve the term Tita like my nephews, nieces, and kids who I saw grow up, family friend."

Abangan si Cherie bilang StarStruck judge sa pagsisimula ng season 7 sa June 15, pagkatapos ng Daddy's Gurl at tuwing Linggo, kasunod ng Daig Kayo ng Lola Ko.