TV

Ano ang masasabi ni Dingdong Dantes sa bagong 'StarStruck' council?

By Aedrianne Acar

Hindi matatawaran ang paghanga ng Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa bagong StarStruck council na sasala at kikilatis sa mga hopeful na hangad maging Ultimate Male and Female Survivors.

Dingdong Dantes

READ: Dingdong Dantes, hanga sa narating ni Jennylyn Mercado mula nang maging 'StarStruck' Ultimate Female Survivor

Sa panayam ni Kapuso showbiz reporter Aubrey Carampel kay Dingdong, sinabi nito na 'balanse' ang composition ng council na binubuo nina highly-respected actress Cherie Gil, 'Queen of Creative Collaboration' Heart Evangelista at 'Eat Bulaga' host Jose Manalo.

Aniya, “Nakakatuwa kasi 'yung balanse nila. Siyempre si Ms. Cherie [Gil] na nakakatakot di ba, sabay babasagin ni Jose 'yung trip ni Ms. Cherie.”

“Tapos si Heart [Evangelsita] mayrun din analysis and input doon sa performance. Tapos silang tatlo may palitan ng ideas. Ang ganda ng conversation nila, so doon pa lang mismo maaliw ka na.”

Nakakagulat nga din para sa Kapuso Primetime King nang inalala nila ng kanyang co-host na si Jennylyn Mercado na 15 years na pala ang nakalipas mulua nang magsimula ang groundbreaking talent search na ito ng GMA-7.

Saad niya, “Siyempre nagkakuwentuhan nga kami [Jennylyn Mercado] na 15 years ago na pala yun nung nanalo siya, so parang isipin mo kung batang pinanganak 'yun high school na ngayon di ba.”

Naniniwala rin si Dingdong Dantes na mas maraming kaabang-abang na survivors ang makikita ng mga Kapuso sa newest season ng StarStruck.

“It's been that long and madami ng nangyari, marami nang mga survivors ang nasundan na natin ang buhay nila at nakita na natin how their stars have shone and mas marami pa tayong susubaybayan ngayon.”

Tutukan ang StarStruck season 7 hosted by Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado simula ngayong June 15 pagkatapos ng Daddy's Gurl.