TV

WATCH: Kyline Alcantara, ipinakita ang 'StarStruck' studio

By Maine Aquino

Para mas maging excited ang mga Kapuso sa pagbabalik ng StarStruck sa telebisyon ay nagbigay ng tour si Kyline Alcantara ng StarStruck studio sa kanyang daily online show.

Kyline Alcantara

Sa Inside StarStruck ay inikot ni Kyline ang bawat sulok ng StarStruck studio. Lahat ay kanyang ipinakita mula sa dressing rooms ng hosts at council, dream hub, at control booth.

Ayon sa direktor ng StarStruck na si Direk Monti Parungao ay may mga katangian silang hahanapin sa mga magiging Final 14. Aniya, "The three basic necessities that one must have to be a star. The artista appeal, the personality, and of course the talent."

IN PHOTOS: Behind the scenes at 'StarStruck' Season 7 shoot

Ibinahagi rin ni Direk Monti ang kaabang abang na prizes ng StarStruck season 7 winner.

"Everyone is excited about it because it's composed of one million peso cash, five million management contract, and a house and lot from Camella Homes."

Panoorin ang studio tour with Kyline sa Inside StarStruck: