TV

Heart Evangelista, may payo sa mga hindi pinapalad na manalo sa mga contest

By Maine Aquino

Ayon sa StarStruck season 7 judge na si Heart Evangelista, hindi dapat mawalan ng pag-asa ang mga hindi nagwawagi sa mga contests.

Heart Evangelista


Kuwento ni Heart sa media conference ng StarStruck, hindi masamang sumubok ng sumubok lalo na't kung 'yun ang ninanais makamit sa buhay ng isang contestant.

"Just because you didn't get it doesn't mean it's not for you. You just have to keep trying." Saad ni Heart.

Naniniwala rin si Heart na kapag ito ay itinadhana para sa isang tao ay makakamit nila ang ninanais nila sa buhay.

"If it's something that you really want to do, and if it's really for you, siguro po the stars will align and it will happen."

Subaybayan si Heart bilang miyembro ng StarStruck season 7 council tuwing Sabado 7:55 p.m. at Sunday at 7:40 p.m.