TV

WATCH: 'StarStruck' boys Abdul, Karl, Kim, at Gelo, dumaan sa panibagong audition

By Maine Aquino

Sa June 19 episode ng Inside StarStruck, ipinakita nina Abdul Raman, Karl Aquino, Kim De Leon, at Gelo Alagban na handa sila sa kahit anong challenge na ipapagawa sa kanila.

Karl Aquino, Abdul Raman, Gelo Alagban, Kim De Leon


Ang StarStruck boys na opisyal nang kabilang sa Final 14 ay sinagot ang mga tanong ni Kyline Alcantara para sa kanilang panibagong audition. Dahil dito mas nakilala natin ang finalists at kung isa na sa kanila ang magiging Ultimate Male Survivor.

Panoorin ang kanilang fun audition with our StarStruck Insider in this episode.