TV

EXCLUSIVE: Dani Porter, pangarap na makatrabaho si Michael V.

Laking gulat daw ng StarStruck hopeful na si Dani Porter nang marinig na tawagin ang kanyang pangalan na mapabilang sa Final 14.

Dani Porter

Kim De Leon, Dani Porter, Angelic Guzman, at Gelo Alagban, pasok na sa Final 14 | Ep. 2

Pero kahit malayo na ang narating ng mestiza beauty sa competition, marami pa rin daw siyang kailangan i-improve sa sarili para makamit ang title na Ultimate Female Survivor.

Sa panayam ni Dani sa GMANetwork.com, binanggit nito ang greatest weaknesses at strengths niya sa pagpasok sa Top 14.

Wika niya, “Kailangan ko pa po matutunan na maging mahusay sa pagsagot tsaka maging komportable sa suot ko. Kasi 'yung suot ko mga girlie, 'yung mga isinusuot ko po kasi parang boyish talaga.”

“Yung strength ko naman po is magaling ako magpatawa.”

Inamin ni Dani Porter na dream niya na makatrabaho si Kapuso Comedy genius Michael V. na nakilala sa mga multi-awarded shows niya na Bubble Gang at Pepito Manaloto.

Na-develop daw ni Dani ang galing niya sa pagpapatawa sa tulong ng kanyang pamilya.

“Siguro po lagi ko po nakasama 'yung mga kuya ko. Lumaki po ako na kasama ko 'yung mga tito ko, yung mga tito ko po kasi sobrang komedyante sila. Doon po ako natuto maging ganito (mahilig magpatawa).”

Catch Dani Porter's journey in StarStruck every Saturday after Daddy's Gurl and on Sundays after Daig Kayo Ng Lola Ko.